Posts

Showing posts with the label Pinay Mom Diary

Pinay Mom in South Korea Open Diary || Bonding with a good friend ❤

Image
Hiking in Baesan Park Ito ang park na malapit sa bahay ko. Kung saan may maliit na bundok na pwedeng akyatin upang masilayan ang kabuohan at ganda ng paligid. Medyo makulimlim pa ang panahon gawa ng ilang araw din nag uulan.  A mother and a child statue  Just to remind every parent to give time for their children. Makikita ang statue na ito sa mismong entrance ng park. Kahit gaano pa kabusy tayong mga magulang marapat na paglaanan ng oras ang mga bata. Dahil ang mga oras na iyon ay magiging isang magandang alaala sa kanila.  Let's go up! Kahit na makulimlim pa ang panahon itinuloy pa din namin ang pag akyat. Sinabayan namin ang mga taong paakyat din dahil sa hindi namin kabisado ang daan. Magandang exercise din ito sa aming katawan lalo na lagi lang na nasa bahay. ^^ Hi Roda! This is Roda, my good friend - also married to a Korean. Matagal na din kaming magkakilala at naging dating magkasama sa isang kompanya. Sya ang buddy ...