Pinay Mom in South Korea Open Diary || Bonding with a good friend ❤

Hiking in Baesan Park
Ito ang park na malapit sa bahay ko. Kung saan may maliit na bundok na pwedeng akyatin upang masilayan ang kabuohan at ganda ng paligid. Medyo makulimlim pa ang panahon gawa ng ilang araw din nag uulan. 
A mother and a child statue 
Just to remind every parent to give time for their children. Makikita ang statue na ito sa mismong entrance ng park. Kahit gaano pa kabusy tayong mga magulang marapat na paglaanan ng oras ang mga bata. Dahil ang mga oras na iyon ay magiging isang magandang alaala sa kanila. 

Let's go up!
Kahit na makulimlim pa ang panahon itinuloy pa din namin ang pag akyat. Sinabayan namin ang mga taong paakyat din dahil sa hindi namin kabisado ang daan. Magandang exercise din ito sa aming katawan lalo na lagi lang na nasa bahay. ^^
Hi Roda!
This is Roda, my good friend - also married to a Korean. Matagal na din kaming magkakilala at naging dating magkasama sa isang kompanya. Sya ang buddy ko ngayon dahil parehas na kaming walang trabaho. 😁
We're on the top!
Medyo umulan habang na akyat kami. Buti na lang hindi malakas kaya nakatuloy pa din kami makaakyat sa taas.
Traditional resting house
Nag iisang nakatayo sa tuktok ng bundok. Kung saan pwede kang magpahinga habang sinisilayan an ganda ng kapaligiran sa ibaba.

Beautiful view from the top!
Nakakarelax pagmasdan ang ganda ng langit at kapaligidan mula sa taas. Nag stay kami ng 1 oras sa dito bago bumaba. 


Purple Flower
Sa paglalakad namin pababa nadaanan namin itong napaka gandang mga bulaklak. Kahit na nakakapagod ang pag akyat at pagbaba, sulit naman sa mga makikitang ganda ng mga halaman, puno at ilang mga ibon at pati maliliit na squirrels. 😊

Lunch at Raracost Family Restaurant 
After namin umakyat sa bundo ng Baesan syempre nagutom kami. Kaya ayan napadpad sa paborito naming restaurant! 😁

Newly renovated!
Ang ganda ng pagka renovate at napaka warm ng interior! Taga ko na din hindi nakakain dito simula ng pandemic bihira na kasi kami mag dine-in. 

Refreshing Drinks! 
We ordered fruit ades intead of colas. Since healty living na kami ni Roda iwas muna sa mga carbonated drinks!^^

Let's Eat!!!
We ordered Pork Burger Steak and Chicken Burger Steak! We enjoyed our meal. Konting chika pa bago kami umuwi. 
Super nag enjoy ako sa maghapong bonding moment naming magka ibigan! Iba pa din talaga ang makalabas ka kahit paminsan minsan at magkaron ng time para sa sarili. 😊


Tala, 
LES

Comments

Popular posts from this blog

MARRIED LIFE (Pinay Wife / Pinay Mom) 🇵🇭🇰🇷