A Day In my Life! Very Busy and Productive Day! 21.08.23 my son's simple birthday celebration!
Rainy monday! Summer Vacation's Over! Back to School! π
Maulang umaga ang sumalubong saming mag ina habang naglalakad papunta sa antayan ng school bus. Excited ang anak kong pumasok dahil isamg buwan din silang nakabakasyon. Fully geared rain coat, rain boots and umbrella! Nakakatuwang pagmasdan na masipag pumasok si Seojin kasi nung bata pa ako super tamad ko talagang pumasok! Haha π
Medyo tumaas na naman ang tubig sa ilog.. masaya na naman ang mga bibe! π
may Lion sa gate namin.. bantay ng bahay.. para syang nasa forest dahil sa mga gumagapang na halaman!^^
Hindi lang si Seojin ang back to School. Pati ang nanay nya back to online schooling. Mag susunog na naman ako ng kilay at nose bleed! Nag enrol kasi ako sa KIIP or Korean Integrated Immigration Program. Para pag maipasa ko ang Level5 pwede na ako makapag apply ng Korean Citizenship. Ngayong araw sumakit na naman ang utak ko lalo na at apat na oras na upuan! π
Pagkatapos ng class ko by 1pm sinundo ako ni ate at nagpunta kami sa yongdongdong.. para mamili at pumunta din sa banko.. napaka maulan na maghapon..
Pagkatapos sa bank tawid na sa kabila papuntang Lotte Mart. Nasa kabilang banko din si ate kaya dyan na lang daw kami magkita.. namiss ko na ang SM, Landmark at Market Market! π
Yung set of cars lang ang bibihin ko dyan kasi nabilhan na si Seojin ng tita nya nung Hotwheels waterslide! Isa lang kasi ang kasamang car kaya para madagdagan ang mababasang cars binilhan ko na ng kasama! π yan na ang birthday gift ko para kay Seojin π
Namili ako ng konting groceries. Nakakita ako ng naka sale na Philippine Mango 5pcs 400 pesos!!! Tama po 400pesos yan! Kamahalan! π paborito din kasi ni Seojin yan. Tapos meron din Quaker Oat, Fresh milk, sesame oil, Lemons, Kids Lotion at sympre yung cars ni Seojin. Umiiyak na naman wallet ko nyan! π
Nagpunta din ako sa Paris Baquette- isa sa pinaka kilalang bakeshop dito.. bumili ako ng birthday cake para kay Seojin. Ang mamahal din ng cakes dito parang namimiss ko tuloy ang Goldilocks at Red Ribbon! π
Syempre dahil nakalibre ako ng sakay kaya nagpa bubble tea ako! π Choco milkshake at Mochachino with pearls! Kahit maulan ang sarap uminom ng malamig at matamis na drinks! π
Tama ba ang english ko? Haha! SEAWEED SOUP po ang tawag dito. Na may sahog na beef chunks, at nilasahan ng maraming bawang, tapos toyo at sesame oil! Mahal ang beef pero pag may kaarawan mas magandang beef ang ilagay sa soup dahil special sya!^^ laging ito ang kinakain ko noon buntis ako hanggang sa manganak ako dahil naniniwala sila na nakakarami ng gatas ang pagkain nito. Hinahanda ang seaweed soup sa mismong araw ng kaarawan upang gunitain din ang pagbubuntis ng isang ina para sa kanyang anak π kaya Seojin kumain ka ng maraming miyuguk! π
Gumawa din ako ng Macaroni Fruit Salad! Nakakamiss din kasi! Sana kumain si Seojin neto! Panlasang Koreano kasi ang panlasa nya hehe π
Ang dami ng nagawa ko kaya madami din akong mararasyunan π
Simpleng Birthday Decoration. Kami kami lang din naman dahil pinagbabawal pa dito ang pagsalo salo lalo na ang party. pero dito kasi sa Korea di uso ang Birthday party. Tama na ang simple celebration with the family. Pero since pinay tayo mas gusto natin ang may paparty sana! π
Ang cute ng cake ni Seojin! Of course chocolate flavor! π Chocolate Macaroon Cake π Nag lumpiang shanghai din kami para may pang ulam at pangpulutan ang tatay ni Seojin!..^^
Happy 6th Birthday Seojin! Korean age nya ay 6 pero 5 palang sya pag sa pinas! π
Iba kasi ang counting nila ang age dito kasama yung months na pinag bubuntis sila kaya plus 1 year! Matanda din ako dito ng 1 year! π ...eto serious na.... anak, maligayang maligaya ako dahil sa pinagkaloob ka samin ni Lord.. sa kabila ng ilang beses akong nakunan noon hindi kami nawalan ng pag asa na magkaron ng healthy pregnancy. At ikaw yun anak! Our Rainbow π Baby πΆ mahal na mahal ka namin anak! Nawa ay lumaki kang malusog, mabuting tao at may pananampalataya sa Maykapal π
Pinapanalangin ko lagi ang iyong kaligtasan anak. I love you anak, saranghe uri adeul! π μμΌ μΆνν΄ π -eomma
Tala,
LES
Happy Birthday little one !
ReplyDeletethank you =)
Deletehappy birthday
ReplyDeleteThank you =)
Delete