PINAY IN KOREA OPEN DIARY 21.08.22 sunday
Today is Sunday, let me start to say Thank you papa God for all the blessings, protection and guidance in my daily life.. 🙏
I'll start today posting my open diary for me to share my daily-simple life here in South Korea as a filipina living here for almost 8 years..
I want to have something I can look back and read when my hair becomes gray.. ^^
I am also going to use my native language since I am more comfortable and I am not fluent in using English. Hope my readers would understand it.. just incase google traslate is one touch away... 😊
Hi! This is my little monstera plant! ^^
Sobrang saya ko ng makita ko ang pangalawang bagong sibol na dahon na may 2 ng butas! 😍
Binili ko lang sya na wala pang hole ang mga dahon nya hanggang naglabasan na sila isa isa... nakakatuwang pagmasdan ang mga halaman sa loob ng bahay nakakaganda ng mood.. more leafs to come! 😊
Super busy today! Ilang araw kong ginawa ng paonti onti ang part time job ko na ito sa bahay. Mga brief ng lalaki na binebenta sa mga pamilihan dito sa Korea. Galing sa factory na pinapasukan ng ate ko bilang mananahi. Kaya sa akin nila binabagsak ang pag komsa o pag check ng bawat isa kung may sobrang sinulid, tela o maling tahi. Malaking tulong din ito sa alin na mag karoon ng sariling income kahit nasa bahay. Sakit nga lang sa pwet kaka upo maghapon! Halos 2,000 pcs ang nagawa ko sa loob ng 3 araw! 😌
Fresh from my inlaws farm! Sobrang nagpapasalamat ako sa aking mga byenan dahil may rasyon kami lagi ng mga gulay, bigas at pati itlog. May munting farm kasi sila na isa din sa pinagkakabuhayan nila.. kaya minsan tumutulong din kaming mag asawa sa pagtatanim at pag harvest sa farm. May stocks na naman ako ng kamja o potato, pah or leaks! Salamat po si-omoni at si-aboji! 😊
Sa tagal ko ng di nakakauwi ng pinas at wala naman Jollibee dito sa South Korea, gumawa na lang ako ng burger steak version ko!^^ mabuti na lang kompleto ang ingredients sa kusina ko! Even burger patty meron ako dahil nakapa grocery kami kahapon lang at nakakita ako ng tteokalbi or burger patty! Super saya ko ng makagawa ako ng perfect mushroom gravy at nagustuhan din ng anak kong half korean half filipino! 😍 at dahil marami din bigay si byenan na patatas nakapag mashed potatoes pa ko with gravy! Super happy ako today! Cravings satisfied! ✅
tala,
LES
I love loco moco too! ^^
ReplyDelete