21.8.25 Pinay Mom in South Korea Open Diary

Avocado for breakfast! Favorite ni Seojin almusalin ang abokado! Nilalagyan ko din ng konting asukal para matamis tamis. Super healthy ng avocado kaya masaya akong nagustuhan nya. Kaso wala akong mabili na galing pinas. Halos galing South America ang mga ini-import na avocado dito.. 

Big boy na talaga ang anak ko.. kaka birthday nya lang kahapon. Diko sya pinapasok kahapon dahil malakas din ang ulan. Ngayong araw naman pumasok na sya.. Kahit na inaantok pa sya kanina di sya tinamad na bumangon. Buti di nagmana saken kasi noon tamad ako pumasok nung bata pa ako.. 😅

sweet ng anak ko gusto laging naka holding hands with eomma habang naglalakad papuntang bus stop.. minsan nakanta pa kami ng paborito ng Filipino song na Bahay Kubo, Kabisado na kasi. 😊

naubusan na kami ng itlog. Mahilig kasi ni Seojin isama sa ulam nya ang boiled eggs kaya madaling maubos. Buti na lang sa likod lang ng bahay namin may Egg Bank. Mas nakakamura ako dahil sila mismo ang supplier ng itlog sa mga mart dito^^ napadaan ako bago umuwi sa bahay pagkatapos ihatid si Seojin sa antayan ng school bus.

Dahil birthday ni Seojin kahapon may ibinigay sa kanyang birthday gift galing school. May letter pa para saken pagpapasalamat sa pagsilang kay Seojin. Laman ng box ay Seaweeds na niluluto nila dito bilang soup na kadalasan pinapakain sa mga buntis at inihahanda sa mga may kaarawan. 😊

I love mangoes! Yan ang sabi ni Seojin nung nakaraan kaya naisipan namin na ibalot yung binili kong mangga para iregalo sa kanya. Tuwang tuwa sya ng makita nya. Kaya ngayon pagkauwi galing school yan ang merienda nya. Sya lang nakaubos at saken ang buto! 😁 masarap at matamis talaga ang Philippine mango medyo may kamahalan nga lang dito. 

Nagbigay si ate ng bagon gawang pah at napa kimchi. Gawa ng ate ni kuya o tawag namin ay kumo. Ang sarap ng pagkagawa at di gaanong maanghang. Ginawang pulutan tuloy ng asawa ko pagka galing sa work.. ^^ di kasi ako nagagawa ng gantong kimchi mas masarap pag mga old Koreans para authentic ang lasa. Busy din kasi si byenan kaya halos bihira kami mabigyan ng kimchi. 


********
Thank you Lord for this day. Nawa patuloy nyo kaming basbasan at protektahan. Maraming salamat po. 🙏

Tala,
LES 



Comments

Popular posts from this blog

MARRIED LIFE (Pinay Wife / Pinay Mom) 🇵🇭🇰🇷

Pinay Mom in South Korea Open Diary || Bonding with a good friend ❤