A BUSY DAY WITH MY KOPINO SON! PINAY MOM SATURDAY DUTIES 21.8.28

Saturday is a busy day! 
Every Saturday napunta kami sa Multicultural Family Center para pumasok ng Filipino Class si Seojin. 
Nakakasalamuha nya ang iba pang Korean-Filipino kids at pinag aaralan nila ang kultura at lengwahe ng sinilangang bansa ng kanilang ina. 
Nakatanggap kami ng libreng mga libro, TomBook recorder at mask. 😊

DIY MINI SOAP
Habang nasa klase ang mga bata, kaming mga pinay moms naman ay gumawa ng activities. Una naming ginawa ang colorful mini perfumed soap. 

Ganito ang kinalabasan ng ginawa namin. Ang liliit at mababangong different shapes mini soap. 😍

Finished product. Packed mixed colors and shapes. Ang mga ito ay ipamimigay ng center sa mga bisita. At nag uwi din kami ng magagawa namin para sa bahay. 

Perfumed Hand Sanitzer
Pangalawa naming ginawa ang hand sanitizer. We only mixed the alcohol then dropped some aroma then it's done! Ready to distribute sa mga kapamilya at kaibigan. Sa panahon ngayon isa na sa basic needs ng mga tao ang may dalang sanitizer kahit san man magpunta.

ang ganda ng packaging nya. 😍

Homemade Banana Cake
Banana Cake para sa mga bata. Nag bake ako kahapon gamit ang natirang super hinog na saging. Para di masayang ang mga saging na super ripe ginagawa ko laging banana bread. 😍

Seojin's haircut day!
Mabilis humaba ang buhok ni Seojin. At sobrang pawisin sya kahit naka aircon na kami pinagpapawisan sya. Kaya dapat laging naka clean cut para di masyadong mainitan ang ulo nya. Sa parlor na ito kaming lahat nagpapagupit dahil malapit lang sa bahay namin at mas mura. 😊

Playday with cousins!
Pagkatapos namin sa parlor, dinala namin si Seojin sa bahay ng ate ko para makapag laro silang magpipinsan. May 2 anak si ate na mas matanda kay Seojin. Iniwan muna namin sya para makapamili ng groceries at ng mailuluto for dinner. 

Dinner is ready!!
Matagal tagal na din hindi kami nakapag samgyeopsal sa bahay kaya ito ang inihanda ko for dinner sabay shot kaming mag asawa. Makkolli kay hubby at podo wine na gawa ni byenan naman ang para sa aken. 😁

Let's eat! Super busy man ang maghapon sa labas. Iba pa din pag nasa loob ka ng sarili mong bahay. At the end of the day super thankful ako kay papa God for giving us another day to live and for the safety of my family. 🙏


Tala,
LES 




Comments

Popular posts from this blog

MARRIED LIFE (Pinay Wife / Pinay Mom) 🇵🇭🇰🇷

21.8.25 Pinay Mom in South Korea Open Diary

Pinay Mom in South Korea Open Diary || Bonding with a good friend ❤