Posts

Showing posts with the label Day in a life of a Pinay Mom in South Korea

Pinay Mom in South Korea Open Diary || Bonding with a good friend ❤

Image
Hiking in Baesan Park Ito ang park na malapit sa bahay ko. Kung saan may maliit na bundok na pwedeng akyatin upang masilayan ang kabuohan at ganda ng paligid. Medyo makulimlim pa ang panahon gawa ng ilang araw din nag uulan.  A mother and a child statue  Just to remind every parent to give time for their children. Makikita ang statue na ito sa mismong entrance ng park. Kahit gaano pa kabusy tayong mga magulang marapat na paglaanan ng oras ang mga bata. Dahil ang mga oras na iyon ay magiging isang magandang alaala sa kanila.  Let's go up! Kahit na makulimlim pa ang panahon itinuloy pa din namin ang pag akyat. Sinabayan namin ang mga taong paakyat din dahil sa hindi namin kabisado ang daan. Magandang exercise din ito sa aming katawan lalo na lagi lang na nasa bahay. ^^ Hi Roda! This is Roda, my good friend - also married to a Korean. Matagal na din kaming magkakilala at naging dating magkasama sa isang kompanya. Sya ang buddy ...

A BUSY DAY WITH MY KOPINO SON! PINAY MOM SATURDAY DUTIES 21.8.28

Image
Saturday is a busy day!  Every Saturday napunta kami sa Multicultural Family Center para pumasok ng Filipino Class si Seojin.  Nakakasalamuha nya ang iba pang Korean-Filipino kids at pinag aaralan nila ang kultura at lengwahe ng sinilangang bansa ng kanilang ina.  Nakatanggap kami ng libreng mga libro, TomBook recorder at mask. 😊 DIY MINI SOAP Habang nasa klase ang mga bata, kaming mga pinay moms naman ay gumawa ng activities. Una naming ginawa ang colorful mini perfumed soap.  Ganito ang kinalabasan ng ginawa namin. Ang liliit at mababangong different shapes mini soap. 😍 Finished product. Packed mixed colors and shapes. Ang mga ito ay ipamimigay ng center sa mga bisita. At nag uwi din kami ng magagawa namin para sa bahay.  Perfumed Hand Sanitzer Pangalawa naming ginawa ang hand sanitizer. We only mixed the alcohol then dropped some aroma then it's done! Ready to distribute sa mga kapamilya at kaibiga...

A Day In my Life! Very Busy and Productive Day! 21.08.23 my son's simple birthday celebration!

Image
Rainy monday! Summer Vacation's Over! Back to School! 😍 Maulang umaga ang sumalubong saming mag ina habang naglalakad papunta sa antayan ng school bus. Excited ang anak kong pumasok dahil isamg buwan din silang nakabakasyon. Fully geared rain coat, rain boots and umbrella! Nakakatuwang pagmasdan na masipag pumasok si Seojin kasi nung bata pa ako super tamad ko talagang pumasok! Haha πŸ˜„ Tuwang tuwa ang mga puno't halaman dahil nadiligan sila pagkatapos ng sobrang init na panahon! 😊 Medyo tumaas na naman ang tubig sa ilog.. masaya na naman ang mga bibe! 😁 may Lion sa gate namin.. bantay ng bahay.. para syang nasa forest dahil sa mga gumagapang na halaman!^^ Hindi lang si Seojin ang back to School. Pati ang nanay nya back to online schooling. Mag susunog na naman ako ng kilay at nose bleed! Nag enrol kasi ako sa KIIP or Korean Integrated Immigration Program. Para pag maipasa ko ang Level5 pwede na ako makapag apply ng ...

PINAY IN KOREA OPEN DIARY 21.08.22 sunday

Image
Today is Sunday, let me start to say Thank you papa God for all the blessings, protection and guidance in my daily life.. πŸ™  I'll start today posting my open diary for me to share my daily-simple life here in South Korea as a filipina living here for almost 8 years..  I want to have something I can look back and read when my hair becomes gray.. ^^  I am also going to use my native language since I am more comfortable and I am not fluent in using English. Hope my readers would understand it.. just incase google traslate is one touch away... 😊 Hi! This is my little monstera plant! ^^ Sobrang saya ko ng makita ko ang pangalawang bagong sibol na dahon na may 2 ng butas! 😍 Binili ko lang sya na wala pang hole ang mga dahon nya hanggang naglabasan na sila isa isa... nakakatuwang pagmasdan ang mga halaman sa loob ng bahay nakakaganda ng mood.. more leafs to come! 😊 Super busy today! Ilang araw kong ginawa ng paonti onti ang part time job k...