My weekend Diary! Pinay Eomma in South Korea Open Diary
Friday - Noodle Day with pinay friends
We ordered cold and hot noodles! Sympre saken ang naengmyeon, paborito ko lalo na pag summer at napaka init ng panahon. Kasama ko mag lunch ang dalawang pinay kong kaibigan na nakapag asawa din ng Koreano. Nakakarelax din na paminsan minsan na makasalamuha kapwa pinay at magkaron ng time na makapag kwentuhan at tawanan. 😊
Shakes to go!!
Para sa mas mahabang kwentuhan nag cold drinks din kami. Mochachino ang madalas na binibili ko, coffee is life! ^^ madalas kami dito magkape sa ABC cafe dahil sa mura at big size pa ang cups nila ^^
Let's play BINGO!
Napadaan ako sa Daiso bago umuwi ng bahay. Nakita ko ang Bingo game set na yan kaya naisip kong bilhin para malaro namin sa bahay. naalala ko noon sa pinas pa ako madalas kami mag laro ng bingo na may taya! 😁 pampalipas oras din kasi.
Saturday- Food for the Brain
Every Saturday pumasok kami ng anak ko sa Multicultural Family Center para sa Filipino class. Pagkatapos ng klase nagkayayaan kami ng isa sa pinay mom na kasama ko na magpunta sa Library kasama ang mga bata. Sobrang natuwa si Seojin dahil mahilig talaga sya sa books!^^
Bookworm Kid!
Pagkapasok pa lang sa Library namili na sya agad ng books na babasahin. At nakaagaw agad ng pansin nya ang Peppa Pig Library Books. Dahil sa marunong na magbasa si Seojin mas nae- enjoy nya ang story.
Nag stay kami ng halos 2 oras bago umuwi.
Sunday - Domino Pizza Day!
Dahil sa naging maulan ang maghapon hindi kami nakalabas at nag stay lang sa bahay. Pagka hapon na lumabas para bumili ng merienda. Nag crave kasi kami ng pizza lalo na ang thin crust pizza ng Domino. ^^
We ordered Hawaiian shrimp pizza and Combination Pizza! Medyo may kamahalan ang Domino pizza pero siguradong sulit naman sa sarap! 😊
My Korean husband requested Gimbap for dinner. Since busog pa kame gawa ng pizza kaya nagpa gawa na lang ng kimbap ang asawa ko. Masarap din partner dito ang mainit na ramyeon! ^^
Salamat po Panginoon sa natapos na Linggong ito at naway sa susunod na mga araw kami ay inyong patuloy na gabayan at protektahan.. 🙏
Tala,
LES
Comments
Post a Comment