21.8.25 Pinay Mom in South Korea Open Diary
Avocado for breakfast! Favorite ni Seojin almusalin ang abokado! Nilalagyan ko din ng konting asukal para matamis tamis. Super healthy ng avocado kaya masaya akong nagustuhan nya. Kaso wala akong mabili na galing pinas. Halos galing South America ang mga ini-import na avocado dito.. Big boy na talaga ang anak ko.. kaka birthday nya lang kahapon. Diko sya pinapasok kahapon dahil malakas din ang ulan. Ngayong araw naman pumasok na sya.. Kahit na inaantok pa sya kanina di sya tinamad na bumangon. Buti di nagmana saken kasi noon tamad ako pumasok nung bata pa ako.. 😅 sweet ng anak ko gusto laging naka holding hands with eomma habang naglalakad papuntang bus stop.. minsan nakanta pa kami ng paborito ng Filipino song na Bahay Kubo, Kabisado na kasi. 😊 naubusan na kami ng itlog. Mahilig kasi ni Seojin isama sa ulam nya ang boiled eggs kaya madaling maubos. Buti na lang sa likod lang ng bahay namin may Egg Bank. Mas nakakamura ako dahil si...
Comments
Post a Comment